Nabigo si news anchor at TV host Gretchen Fullido sa isinampa niyang sexual harassment case matapos i-acquit ng Quezon City Metropolitan Trial Court sina broadcast executive Cheryl Favila at segment producer Maricar Asprec “based on reasonable doubt.”
Sa 91-pahinang desisyon ng QCMTC Branch 32, inabsuwelto sina Favila at Asprec matapos igiit ng korte na hindi napatunayan ng prosekusyon ang kaso “beyond reasonable doubt.”
Batay sa desisyon, nabigo ang prosekusyon na maabot ang antas ng ebidensiyang kinakailangan upang mapatunayan ang criminal liability nina Favila at Asprec.
Dahil dito, ipinag-utos ng QCMTC ang kanilang acquittal sa kasong sexual harassment.
“Wherefore, premises considered, accused Chery C. Favila and Maricar P. Asprec are hereby acquitted for the crime of Sexual Harassment in the Workplace under R.A. No. 7877 for Criminal Case No. 19-05659-CR based on reasonable doubt,” bahagi ng desisyon ng korte.
Ang kaso ay isinampa ni Fullido noong 2019 sa ilalim ng Republic Act No. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1995.
Si Fullido ay kinatawan ni Atty. Lorna Kapunan habang si Favila naman ay kinatawan ng mga abogado mula sa DivinaLaw, kabilang sina Atty. Klinton Torralba, Atty. Iyla Marie Ferrer at Atty. Janessa Mari Kudera.
=====
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol
