Nasira ang isang tulay sa Barangay Ticulab, Maitum, Sarangani nang hagupitin ng rumaragasang baha dulot ng walang tigil na malakas na ulan nitong Miyerkules ng hapon, Hulyo 8.
Ayon sa mga ulat, dulot ang pagbaha ng patuloy na pag-ulan na epekto ng Bagyong Inday, na nagdulot din ng pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng Region 12 at ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Bukod sa Sarangani, maraming lugar sa mga lalawigan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur ang nakaranas din ng malawakang pagbaha mula Miyerkules ng gabi hanggang madaling araw ng Hulyo 9 dahil sa matinding pag-ulan.
Patuloy namang minomonitor ng mga lokal na pamahalaan at mga disaster response agencies ang sitwasyon, habang pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar at malapit sa ilog na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Patuloy ring isinasagawa ang assessment sa lawak ng pinsala at ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga naapektuhang komunidad.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
