Apektado ang mga byahero nang bumagsak ang isang tulay sa Purok 2, Callawa, Davao City.
Nabatid na gumuho ito nang tangayin ng malakas na agos ng tubig bunsod ng pagbaha nitong Lunes ng gabi, Mayo 18, 2026.
Ayon sa video na nakunan ni Ronel Coranes, makikita ang pinsala matapos ang insidente, habang patuloy na nakakaranas ng malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng lungsod.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng beripikasyon at assessment ang mga otoridad upang matukoy ang lawak ng pinsala at ang mga susunod na hakbang para sa rehabilitasyon ng nasirang tulay.
Hinahanapan na ng lokal na pamahalaan ng alternatibong daan ang mga naabalang motorista dahil sa pangyayari.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

