Naniniwala si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na ang kumakalat na mga isyu tulad ng umano’y lumalalang kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at planong pagpapatalsik kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ay bahagi ng distraction upang maapektuhan ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Bilang miyembro ng House Committee on Justice, sinabi ni Ridon na posibleng mga alyado ni VP Sara Duterte ang nasa likod ng mga naturang tsismis.
“Tingin ko mga alyado po ni VP Sara ang pinagmumulan po ng mga rumors na ito,” ani Ridon sa isang panayam noong Abril 10.
Ayon sa kanya, ang sunod-sunod na usapan tungkol sa umano’y coup at kalusugan ng Pangulo ay nagdudulot ng kalituhan sa mga mambabatas at maaaring mag-isip ang mga ito ng posibleng pagbabago sa liderato sa gobyerno at sa Kamara.
“Para hindi sila mag-participate sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte,” dagdag niya.
Mariing itinanggi na ng Malacañang ang mga alegasyon tungkol sa kalusugan ng Pangulo at sinabi nitong papanagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
Tungkol naman sa umano’y planong pagpapatalsik kay Speaker Dy, sinabi ni Ridon na wala itong basehan at hindi rin ito makatotohanan.
Ayon sa kanya, ang Speaker ay maaari lamang mapalitan sa pamamagitan ng boto ng mayorya ng mga kongresista sa plenary session, na kasalukuyang wala dahil naka-break ang Kongreso hanggang Mayo.
Dagdag pa niya, kung may ganitong plano man, dapat sana ay isinagawa ito sa unang linggo ng session kung kailan may aktwal na botohan.
Tinawag niya ang mga tsismis bilang bahagi ng “propaganda war” na layuning guluhin ang impeachment process.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

