Posible umanong tapusin ni United States President Donald Trump ang umiiral na ceasefire sa Iran kung walang mabubuong kasunduan pagsapit ng Miyerkoles, Abril 22.
Ayon kay Trump sa panayam sa mga reporter habang pabalik ng Washington mula Phoenix, Arizona, mananatili ang blockade sa mga daungan ng Iran at posibleng muling magpatuloy ang pag-atake kung mabibigo ang negosasyon.
“Maybe I won’t extend it, but the blockade is going to remain… so you have a blockade, and unfortunately, we have to start dropping bombs again,” ani Trump sa panayam sa mga reporter habang pabalik ng Washington mula Phoenix, Arizona.
Gayunman, sinabi rin ng US President na may mga magandang balita kaugnay ng Iran, bagama’t hindi niya ito idinetalye.
“It seems to be going very well in the Middle East with Iran… we’re negotiating over the weekend… I expect things to go well. Many of these things have been negotiated and agreed to,” ani Trump.
“You’ll hear about it. I just think it’s something that should happen. It’s something that only makes sense to happen. And I think it will. We’ll see what happens, but I think it will,” dagdag niya.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse
