Arestado ang tatlong Chinese nationals nang makumpiskahan ng electronic waste mula sa motherboards ng cellphones at tablets sa Camarin, Caloocan City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Qui” “Yao”, at “Ki”, kung saan naaktuhan silang nagbebenta ng scrap motherboards na walang kaukulang awtoridad at permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nabatid na classified bilang mapanganib ang mga electronic waste mula sa cellphones at tablets ng motherboards.
Kung saan kung ito ay madurog, masunog o maitapon ng hindi maayos ay naglalabas ito ng highly toxic materials na may masamang dulot sa ecosystem at sa katawan ng tao.
Samantala, ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990 at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
