Sinabi ng isang opisyal ng Estados Unidos, hindi nasisiyahan si US President Donald Trump sa panukala ng Iran dahil hindi nito tinutugunan ang isyu ng nuclear program ng Tehran.
“He doesn’t love the proposal,” ayon sa opisyal, na tumutukoy kay Trump na nakipagpulong sa kanyang mga senior national security advisers noong Lunes upang talakayin ang usapin. Patuloy pa rin ang tensyon sa pagitan ng US at Iran na nakaapekto sa suplay ng enerhiya mula sa rehiyon.
Ayon sa mga Iranian sources, iminumungkahi ng panukala na ipagpaliban muna ang usaping nuclear hanggang sa matapos ang digmaan at maresolba ang mga alitan sa pagpapadala ng kalakal sa Gulf. Subalit iginiit ng Washington na dapat unahin ang nuclear issues sa anumang pag-uusap.
Patuloy ang mga pagsisikap na muling buhayin ang negosasyon sa pamamagitan ng Pakistan bilang tagapamagitan, ngunit nabawasan ang pag-asa matapos kanselahin ni Trump ang nakatakdang pagbisita sa Islamabad ng kanyang special envoy na si Steve Witkoff at adviser na si Jared Kushner.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

