Isang truck ang nahulog sa bangin malapit sa tabing-dagat sa bayan ng Gumaca, Quezon matapos mawalan umano ng kontrol ang driver nito.
Ayon sa Gumaca PNP, minamaneho ng 45-anyos na truck driver ang Isuzu wing van na may kargang 63 sako ng kopra nang bigla umanong magkaaberya ang manibela sa pababang kurbadang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Camohaguin, 2:30 ng hapon noong Biyernes.
Nahirapan umano ang driver na iliko ang sasakyan pakaliwa hanggang sa tuluyang mawalan ng ito kontrol at bumangga sa mga steel guardrail sa kanan ng highway bago nahulog sa humigit-kumulang 15 talampakang bangin sa baybaying dagat.
Himalang hindi nasugatan ang driver at agad na nakaligtas mula sa sasakyan.
Nagtamo naman ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala ang truck.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang nagbigay naman ng tulong sa daloy ng trapiko ang mga rumespondeng pulis sa lugar
Trending
- Gr. 8 honor stude, buking na utak sa online threats sa N. Ecija school
- Higit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila
- PNP: SONA 2026, mapayapa at maayos; 51 isinelda
- Driver sa hit-and-run, lifetime ban sa lisensya
- Transwoman pageant queen patay sa pukpok sa ulo
- Titser, pinagsusuntok ng 2 estudyante
- 13 katao huli sa paihi, pasingaw sa Lucena City
- Jojo Ang nagpiyansa ng P90k
