Posible umanong palitan na ni dating Senador Antonio Trillanes IV si Jonvic Remulla bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong linggo, ito ang inihayag ito ni Atty. Jesus Falcis
“Si Sec. Jonvic Remulla, with all due respect, e parang wala namang nade-deliver o naa-accomplish,” pagpupuna ni Falcis.
Aniya, ang tanging matagumpay nagawa lang umano ni Remulla ay ang pagsibak sa ilang tauhan sa Bureau of Fire Protection (BFP) at pag-imbestiga sa korapsiyon tungkol sa mga fire extinguisher.
Samantala, sabi ni Falcis, “In terms of high-profile arrest, in terms of coordination and implementation of numerous things that the DILG can do, parang hindi siya nakaka-deliver.”
“So malaki talaga ang usap-usapan na kailangan ng isang DILG secretary na makaka-deliver, in relation of high-profile arrest,” dagdag pa niya.
Kabilang aniya sa mga dapat umanong tugunan ng DILG ang mga pag-aresto katulad kina Senator Bato Dela Rosa, Atong Ang, Zaldy Co, at Gerald Bantag.
“Laging nagsasalita pero wala namang napo-produce, e part ‘yon ng mga magiging dahilan kung bakit siya siguro mare-replace ni Antonio Trillanes this week,” ayon pa kay Falcis.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

