Nahulog sa isang sapa ang isang trailer truck na may kargang steel coils at steel sheets nang maaksidente sa Barangay Pocopoco, Damulog, Bukidnon 4:20 ng hapon nitong Huwebes, Hulyo 23, 2026.
Kinilala ang drayber na si Anthony Bernat, 30-anyos; kasama ang dalawa niyang helper na sina Dandy Jumilla, 29; at Kojihan Duran, 13.
Pawang residente ang mga ito ng Bangkal, Davao City.
Batay sa paunang impormasyon, bumiyahe ang truck mula Sarangani Province patungong Cagayan de Oro City nang umano’y mawalan ng kontrol ang drayber dahil sa madulas na kalsada, dahilan upang mahulog ang sasakyan sa sapa.
Matapos ang halos dalawang oras na rescue operation, matagumpay na nailigtas ang tatlong sakay.
Ligtas ang kanilang kalagayan at nagtamo lamang ng mga minor na sugat.
=====
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial
