Umabot sa 19 volcanic earthquakes. ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Mayon iniulat nitong Setyembre 18 (Biyernes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nabatid sa Phivolcs nakataas ang antas ng alerto 2 sa paligid ng bulkang Mayon dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito.
Ayon pa sa Phivolcs namataan din ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 700 metrong taas.
Kaugnay nito iniulat din ng ahensya ang pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan.
Ayon pa sa Phivolcs mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) malapit sa bulkan.
Mahigpit din ipinagbabawal ng Phivolcs. ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Samantala, pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na maaaring maganap ang mga sumusunod gaya ng biglaang pagputok ng bulkan, pagguho ng bato mula sa tuktok ng bulkan at ang pag-agos ng lahar kung sakaling may matinding pag-ulan sa paligid ng bulkan.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France
