Arestado ang 17-anyos na senior high school student nang mabisto ang dalang marijuana makaraang tangkain takasan ang mga pulis sa ‘Oplan Sita’ habang sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City.
Sa ulat ni Police Sub-Station 3 Commander P/Capt. Joan Dorado kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, 11:40 ng tanghali, nagsasagawa sila ng ‘Oplan Sita’ sa Sampaguita Street corner Dama De Noche, Brgy., Marulas nang parahin ng kanyang mga tauhan ang isang rider para sa beripikasyon.
Gayunman, sa halip na huminto ay pinaharurot umano ng rider ang kanyang motosiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sumemplang umano ito.
Nang makorner nina PCpl Darren Mari Pinili at Pat Edgar Clark De Ocampo Cinco, nakita nilang inihagis umano ng binatilyo ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na kanilang kinumpiska.
Matapos nito, inisyuhan ang driver ng Traffic Violation Receipt (TVR) bago tinurnover siya sa pangangalaga ng CSWD habang i-nimpound naman ang kanyang motorsiklo.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
