Muling itinulak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang living wage para sa mga manggagawang Pilipino.
Aniya, ang tunay na pagbangon ng ekonomiya ay dapat nakabatay sa dignidad at pagiging patas sa sektor ng paggawa.
Sa kanyang mensahe para sa Labor Day 2026, ipinaliwanag ni Cayetano ang kanyang pananaw ng isang makatarungan at makataong lipunan, gaya ng nakasaad sa Konstitusyon.
Ayon sa kanya, makakamit lamang ito kung ang mga manggagawa ay hindi lang binabayaran para mabuhay kundi para mamuhay nang maayos at matustusan ang kanilang pamilya.
“The hope of building a just and humane society will begin once we look beyond simply providing a minimum wage and start aiming for a living wage for all Filipinos,” wika ng senador.
“As part of honoring God and building communities through good governance, the State must promote human dignity in the labor sector and create a system where all persons are given the chance to thrive and rise above adversities through proper government support to ensure an enabling working environment that protects their rights, promotes their welfare, and enhances their productivity,” dagdag niya.
Sa kasalukuyang 20th Congress, inihain ni Cayetano ang Executive-Legislative Labor Commission (LabCom Act of 2025 – Senate Bill No. 104) bilang isa sa kanyang pangunahing panukalang batas.
Layunin ng panukalang ito na bumuo ng isang komisyon na gagawa ng mga polisiya sa sahod na angkop sa bawat industriya at rehiyon, sa halip na umasa sa malawakang umento sa sahod na kadalasang natatengga sa Kongreso.
Ayon sa panukala, ang living wage ay nangangahulugang “the amount of family income needed to provide for the family’s food and non-food expenditures with sufficient allowance for savings or investments for social security so as to enable the family to live and maintain a decent standard of human existence beyond mere subsistence level, taking into account all of the family’s physiological, social and other needs.”
Sinabi ni Cayetano na ang paglipat mula sa minimum wage tungo sa living wage ay mahalaga para matugunan ang tumataas na gastos sa pamumuhay at lumalaking agwat ng mayaman at mahirap.
Binigyang diin din niya na ang pagtataguyod ng dignidad ng mga manggagawa ay responsibilidad ng Estado, lalo na sa panahon ng krisis.
“Ang lahat ng crisis may winners, may losers… unfortunately ang usual losers ay ang mahirap.. Let’s not miss opportunities to help,” wika ni Cayetano.
Trending
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa
- Rondina, Pons yuko kontra Danish sa Nuvali Challenge opener
- Kathryn at Monmy Min, walang tampuhan
- Maris, namigay ng bigas
- Janno, nagsori kay Manilyn
- Gusali sa Pampanga gumuho: 19 nasagip, 40 ‘missing’
- Knicks, ibinulsa ang Game 1 OT win vs Cavs, 115 – 104
- Lim, Olivarez pangungunahan ang Palawan Open tennis
