Iniisyu ng mga nagmamaldita ang sweet bonding photos nina Sofia Andres at Barbie Imperial.
Sa nasabing photos, kalakip ang pagbati ni Sofia kay Barbie sa bago nitong show.
Binigyan naman ng kulay ng mga nagmamahadera ang pag-congratulate ni Sofia sa nasabing aktres sa bago nitong ganap.
Hirit ng mga nagmamaldita, inilaglag daw ni Sofia ang bff na si Sarah Lahbati.
May common denominator kasi sina Barbie at Sarah dahil ang una ang current ni Richard samantalang ang huli ang ex ng “Blood vs. Duty” actor.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“Hahaha. From BFF Sarah to BFF Barbie lol!”
“Nag-change na ng allegiance from Sarah to Barbie.”
“May war ba sila ni Sarah?”
“Ano ang common denominator ni Sarah at Barbie? Same sila na Naka-jackpot na nakahanap ng gwapo, hunk, famous at mayaman na jowa. Lahat ng babae pinapangarap na makahanap ng jowa gaya ni Richard.”
“Small circles, big circles, there are no permanent friends in show business.”
“Hahaha pag itong dalawa nag away naku tignan natin kung uubra katarayan nitong so sofia kay barbie.”
“Wag nang intrigahin. Friends din naman sina Sarah at Barbie.”
“Si Sarah kaya ang pinagtsitsismisan nila? Hehe.”
“Baka naman nag-eespiya kay Barbie. Charot.”
“Ms. Congeniality naman si Sofia. Walang masamang tinapay sa kanya.”
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

