Nasawi ang isang dealer ng shabu nang manlaban nang aarestuhin na sana ng mga pulis na kanyang nabentahan ng P2.4 million halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Matling sa Malabang, Lanao del Sur nitong Linggo, June 7.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes nila Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ni Col. Caesar Cabuhat, Lanao del Sur provincial director, bumunot ng baril at nagpaputok ang matagal ng kilalang shabu dealer na si Fahad ng mahalatang mga pulis pala ang kanyang nabentahan ng shabu sa isang lugar sa Barangay Matling kaya nagka-engkwentro na nag-resulta sa kanyang pagkasawi.
Nagtulungan sa pagkasa ng naturang entrapment operation ang ibat-ibang units ng PRO-BAR sa Lanao del Sur, mga operatiba ng Malabang Municipal Police Station at ng Lanao del Sur Provincial Police Office, mga local executives at mga traditional Maranao community leaders na nagsuplong ng malakihang pagbebenta ni Fahad ng shabu sa probinsya.
Ang naturang entrapment operation, suportado ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council na ang chairperson ay si Gov. Mamintal Adiong, Jr., ay pinangunahan ng Regional Drug Enforcement Unit ng PRO-BAR, ayon kina Salanguit at Cabuhat.
Ayon kay Brig. Gen. Christopher Manuel Abecia, director ng PRO-BAR, nakunan ng kanilang mga operatiba ng P2.4 million na halaga ng shabu ang nasawing si Fahad, si Monalisa at Abdul sa naturang entrapment operation.
Maliban sa shabu, nakumpiska din ng mga pulis ang .38 caliber revolver ni Fahad at ang kanilang kotseng Toyota Vios na gamit niya at ng kanyang mga naarestong mga kasamang sina Monalisa at Abdul sa kanilang paglilibot sa mga lugar na sakop ng kanilang illegal na negosyo.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

