Hindi lang umano si Vice President Sara Duterte ang huhusgahan ng sambayanang Pilipino kundi ang mga senador kapag hindi nila nilitis ang pangalawang pangulo.
Pahayag ito ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima dahil habang nagbobotohan sa Kamara sa impeachment case laban kay Duterte ay nagkaroon ng kudeta sa Senado.
“Ang hamon at panawagan ngayon sa buong Senado, hindi lang sa bagong liderato, gampanan nila ang kanilang mandato at tungkulin sa Konstitusyon. In this impeachment, it is not only VP Sara who would be on trial; kasama sa huhusgahan ng taumbayan ang mga Senador,” ani De Lima.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil marami ang nangangamba na mababalam ang paglilitis kay Duterte lalo na’t mga kilalang kaalyado umano ng mga Duterte ang karamihan sa bagong liderato ng Senado.
“People are watching. Mulat at tayang-taya na ang taumbayan. Hindi sila magwawalang-kibo lamang. Tuloy na tuloy na tuloy ang laban!” ayon pa kay De Lima.
Kasabay nito, sinabi ng mambabatas na maitatala na sa kasaysayan ng bansa na si VP Sara ang tanging Bise Presidente ng Pilipinas na dalawang beses na na-impeach sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Kasunod ito ng 257 Congressmen ang bumoto pabor sa pagpapa-impeach sa pangalawang pangulo na mas malaki kumpara sa 215 sa unang impeachment case noong Pebrero 5, 2025.
“First in Philippine history for a Vice President to be impeached twice. Patunay si VP Sara na hindi lahat ng naiiwang legasiya sa kasaysayan ay karangalan,” ani De Lima.
“Sa pag-apruba ng Kamara sa Justice Committee Report at Articles of Impeachment, matagumpay nating pinausad ang proseso ng pananagutan,” ani De Li The momentum for truth, the thrust for accountability is UNSTOPPABLE,” dagdag pa nito.

Share.
Exit mobile version