Kinumpirma ng tagapagsalita ni Senator Loren Legarda na nais na nitong makabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon, ngunit wala pang tiyak na petsa ng kanyang pagbabalik mula France.
Ayon kay Atty Tony La Viña, nakadepende ang pagbabalik ni Legarda sa kanyang ginagawang medical treatment.
Aniya, patuloy rin nitong minomonitor ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Matagal nang nasa France si Legarda at umabot na hanggang Oktubre 9 ang kanyang medical leave sa Senado.
Itinanggi naman ni La Viña na iniiwasan ng senador ang mga alegasyon laban sa kanya kaugnay ng imbestigasyon ng Ombudsman.
Samantala, sinabi ni La Viña na hindi nakikita ni Legarda na bahagi ng anumang pressure o intimidation ang kasong kinakaharap nila ng kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste.
Aniya, hiwalay Ito sa impeachment proceedings.
Tungkol naman sa kanyang paglahok sa impeachment vote, sinabi ni La Viña na hindi pa malinaw kung makababalik si Legarda bago ang botohan.
Ayon sa kanya, posibleng umabot pa ng Nobyembre o Disyembre ang proceedings, kaya umaasa silang makababalik na ang senador bago ito.
=====
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

