Tinawag ni Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na isang “fake new” ang mga kumalat na mga balita na naaresto o nahuli na ang nagtatagong si Senador Ronald Dela Rosa.
“Categorically as of 6 p.m. last tuesday night there has been no arrest for Sen. Bato. There has been a lot of speculations na nahuli siya and he is being whisked away to the Hague, hindi po totoo ‘yan ” pahayag ni Remulla.
Aniya, nag-coordinate na kami sa DOJ, nag-coordinate na ang DILG lahat ng law enforcement units, Sen. Bato Bato is still being hunted down.
Kaungay nito, sinabi ni Remulla na patuloy ang isinagawang manhunt operation ng mga tracker team laban kay Dela Rosa at maging ang nagtatagong negosynate si Atong Ang at dating Bureau of Correction Chief Gerald Bantag.
Isinaad ni Remulla na huling nakita ang Senador sa Mindanao nguni’t tumangi na ito magbigay ng mga karagdagan mga impormasyon o detalye hinggil sa mga isinagawang manhunt operation.
Tiniyak naman ni Remulla na wala umano silang dahilan o planong na itago sa publiko sakaling maaresto o madakip si Dela Rosa.
“Of course we are always open, we are transparent, hindi kami ganun, wala kaming secret operations na hindi malaman ng mga tao. We are always transparent in what we do. All the proper channels, all proper procedures gagawin namin according to rule of law,” saad ni Remulla.
Magugunita na si Sen. Dela Rosa na nagtatago matapos na maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) sa kasong “crime against on humanity” kaugnay ng ipinatupad na ng kampanya kontra droga ng Duterte Administration.
====
Trending
- Kotseng hahatakin ng financing itinakas, 6 sasakyan sinagasaan
- Cancer patient, 3 pa sugatan sa salpukan ng SUV, van sa Maynila
- P700m ismagel at pekeng Sapatos, nasamsam sa Cavite
- 226 bulok, dugyot taxi at bus, huli sa LTFRB
- Vice gov. Mamba, suspendido ng 90 days sa graft
- Sen. Bato naaresto, ‘fake news’
- Marcos, Dy, pinabubura permit para sa solar panel
- ERC, pinayagang maningil ang Meralco ng P8.7-B
