Muling pinatunayan ng aktres na si Sarah Lahbati ang kanyang pagiging “world-class” matapos siyang lumabas sa ikaanim na season ng sikat na Netflix reality series na “The Parisian Agency: Exclusive Properties”.
Sa nasabing episode, ipinamalas ni Sarah ang husay sa pagsasalita ng French habang naghahanap ng mamahaling property sa gitna ng Paris para sa kanyang sarili at para sa kanyang mga anak.
Hindi biro ang budget na inilaan ng aktres para sa kanyang dream home sa France.
Ayon sa programa, naghahanap si Sarah ng luxury property na nagkakahalaga ng €5 million o nasa P349.6 milyon.
Ang “The Parisian Agency” ay isang show na nagpa-follow sa isang pamilyang nagpapatakbo ng luxury property business.
Tinutulungan nila ang mga kliyente na bumili at magbenta ng magagandang bahay sa France at sa ibang bansa.
Sa panayam sa show, ipinakilala ni Sarah ang kanyang pinagmulan gamit ang wikang Pranses.
Ani Sarah, ang kanyang ama ay Moroccan habang ang kanyang ina ay Filipina ngunit lumaki siya sa Geneva.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

