Nanghingi ng paumanhin si Sachzna Laparan matapos makatanggap ng matinding batikos online dahil sa kanyang deleted Facebook caption.
Ito ay matapos sabihin ng mga netizen na insensitive umano sa kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas ang kanyang post.
Nag-ugat ang isyu matapos niyang i-post ang, “Ang gulo na ng nangyayari sa mundo. Comment na lang kayo kung gusto nyo ng phone, ubusin ko na stocks ko dito!”
Sa kanyang apology statement, inamin ni Sachzna na nauunawaan niya kung bakit maraming na-offend at nadismaya sa kanyang post.
“I’ve been reading all your comments and messages, at naiintindihan ko kung bakit maraming nagalit, na-offend, at nadisappoint,” saad niya.
Ayon pa sa influencer, naging sobrang tutok daw siya noon sa trabaho at giveaway project kaya hindi niya agad nakita kung paano ito maaaring ma-interpret ng publiko.
“Looking back now, narealize ko na sobrang wrong timing ng post ko at naging insensitive talaga siya lalo na sa current situation. I sincerely apologize for that,” pag-amin niya.
Nilinaw rin ni Sachzna na hindi niya intensyong maliitin o balewalain ang pinagdaraanan ng maraming Pilipino sa kasalukuyan.
“Gusto ko rin i-address yung mga nagsasabing, ‘Mayaman ka na kasi kaya wala ka nang pakialam.’ Hindi po,” paliwanag niya.
“The post was simply poorly timed and insensitive, at inaako ko yung pagkakamali ko doon,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din ang social media personality sa mga netizens na maayos siyang pinayuhan at pinuna, dahil naging wake-up call umano ito para maging mas responsable siya bilang public figure.
“I’m listening, learning, and taking this as a reminder to be more responsible and aware sa mga shineshare ko online,” sey pa niya.
Sa huling bahagi ng kanyang statement, nanawagan si Sachzna ng pagkakaisa sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng bansa.
“Pero sana sa panahon na ganito, wag muna tayo pumili ng kulay at pairalin ang pansariling interest. At the end of the day, iisa lang naman ang ipinaglalaban nating lahat — ang Pilipinas,” aniya.

Share.