Naglaan ng isang araw si Ryzza Mae Dizon at ang kanyang ina para
bahaginan ng munting biyaya ang ating mga kababayan ngayong panahon ng krisis.
Sa video uploaded sa Facebook page ng Team Ryzza ay finlex nito ang maliit na relief operation ng madir ng Eat Bulaga host na si Mommy Rissa na nakalaan sa mga dumadaan sa kalsada.
Pansamantala daw muna nilang inihinto ang inaabangang cooking at mukbang videos to give way sa kanilang pa-ayuda.
Makikita sa video ang mga nakahandang ipinamigay ng mag-ina–kabilang ang bigas at itlog.
Pagdating sa ipinamahaging bigas, each sack contained 10 kilos: “Sinamahan ko na din siyempre ng pang-ulam…mga itlog.”
Tig-iisang tray ng eggs ang kasama ng bawat 10-kilo sack of rice.
Aba, hindi na masama!
As expected, umani ng positive comments mula sa mga netizens ang said post.
Hinangaan ng mga ito ang pagiging matulungin ng mag-inang Rissa at Ryzza Mae.
“Ang suwerte naman ng madadaanan ng Team Ryzza!” comment ng isang netizen.
May iniwan pang makabagbag-damdaming comment na: “God bless you and your family…nagse-share kayo ng blessings!”
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

