Isang nakakalokang karanasan ang ibinahagi ni Ruffa Gutierrez matapos umanong i-restrict ng Meta ang kanyang official Facebook page.
Ito ay dahil napagkamalan siyang nagpapanggap na siya mismo.
Ayon kay Ruffa, hindi siya makapag-comment sa sarili niyang page dahil itinuring siyang “impersonator.”
“My gosh, ni hindi ako makapag-comment. Akala, impersonator ako. Na hindi ako mismo si Ruffa Gutierrez. Kaloka!” kuwento niya.
Ibinahagi rin ng aktres na handa pa siyang magtungo sa opisina ng Meta kung kinakailangan para lang mapatunayan ang kanyang pagkakakilanlan.
“I’m willing to go to their office just to prove na ako mismo ang account na ’yon. I’m not pretending to be Ruffa Gutierrez!” natatawa pa niyang sabi.
Sa kabutihang-palad, naayos din ang problema at ibinahagi niya ang magandang balita sa Facebook.
“Plot twist: I was never impersonating Ruffa Gutierrez… I am Ruffa Gutierrez. Thanks, Meta, for finally lifting my restriction. Hello again, Facebook fam! I missed you. Did you miss me?” aniya.

=====

Share.
Exit mobile version