Matagumpay ang debut nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa Asian Games.
Ito, habang ang beach volleyball duo, na mas kilala bilang “SiPons,” ay mabilis na tinalo sina Most Sabina Khatun at Mst Lucky Khatun ng Bangladesh, 21-6, 21-6, sa women’s division ng isport, noong Linggo sa Hekinan Ryokuchi Beach Court.
“Ipinakita namin kung ano yung naging training namin coming here early and prinactice din namin kung ano yung mga additional plays namin,” said Rondina after the victory.
Dahil sa panalo, mas napalapit sila sa pagwawalis sa Pool E, kung saan susunod nilang makakaharap ang Kazakhstan.

=====

Share.
Exit mobile version