NAREKOBER ang isang pinaghihinalaang piraso ng rocket debris sa baybayin ng Sitio Taburo, Bisucay Island, Cuyo, Palawan nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa Coast Guard Station Eastern Palawan.
Sinabi ng Philippine Coast Guard na natanggap nito ang ulat bandang 6:46 ng umaga kaya agad na nag-deploy ng Quick Response Team (QRT) sa lugar.
Narekober ang naturang bagay sa tulong ng mga lokal na opisyal ng barangay at kasalukuyan nang naka-secure.
Magsasagawa ng technical assessment ang Maritime Safety Law Enforcement Group–Palawan (MARSLEG-PAL) upang matukoy ang pinagmulan at uri ng narekober na bagay.
Tiniyak ng Philippine Coast Guard sa publiko na ipinatutupad ang kaukulang safety measures habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
