ara kay Rochelle Pangilinan, totoong-totoo ang kasabihang “life begins at 40.”
Matatandaang noong Mayo 23 ay ipinagdiwang ng award-winning actress at SexBomb Girls leader ang kanyang ika-44 na kaarawan.
Aminado si Rochelle na marami pa rin siyang bagong oportunidad sa kanyang career.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Rochelle ang kanyang journey sa showbiz: “Akala ko sa 40s, tapos na ang mga ‘firsts.’ Pero hindi pala. Doon pa kami napasama sa Mobile Legends, doon pa mas nagbukas ang mga oportunidad. Kumbaga, gising ‘to sa mga babae—na akala mo pag tumanda ka, mag-stop na ang lahat… pero hindi. Madami pang naghihintay para sa’yo.”
Dagdag niya, isa ang dasal niya sa buhay ay maging “channel of blessing” sa iba, at sa kabila ng edad, napatunayan niyang hindi ito hadlang sa tagumpay.
Inamin ni Rochelle ang hirap at sakripisyo ng SexBomb Girls sa kanilang matagumpay na “Get, Get Aw!” concert.
“Sumugal kami, walang kasiguraduhan, pero tinuloy namin… kasi hindi naman pera ang hangad namin. Ang gusto lang namin ay makabawi at mabigyan kayo ng regalo na karapat-dapat,” ani Rochelle.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

