Nakakapagdagdag umano ng kulay si Senator-Judge Robinhood “Robin” Padilla sa “black and white” na Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, isang counsel ng House prosecution panel, bilang tugon sa tanong sa isang press conference kasunod ng mga nangyari sa impeachment trial noong Miyerkoles.
Habang nagtatanong kay Batangas Rep. Gerville Luistro, sinita ni Padilla ang mga tao sa gallery na nagbigay ng maingay na reaksyon sa kanyang pagtatanong kaugnay ng mga testigong iniharap ng prosekusyon.
“Presiding officer, bawal po ang ginagawa nitong nasa harap natin, nagkokome-komento,” sabi ni Padilla. “Hindi po sila allowed mag-ingay! Korte po ito!”
Inatasan naman ng presiding officer ng Senate court na si Senator-Judge Francis Escudero ang mga tao sa gallery na panatilihin ang kaayusan.
“Sometimes the Senate impeachment hearings are in black and white, and we’re very appreciative that Senator Robin always brings color and surprise and excitement,” sabi ni Kapunan sa press conference.
“It’s as if–especially if he’s the last one to manifest–eh nagigising po kaming lahat. Kanina talaga nagising kaming lahat at pinagalitan pa kami sa front row,” dagdag pa nito.
Kinuha rin ni Kapunan ang pagkakataon upang humingi ng paumanhin kay Padilla.
“So may I use this opportunity to apologize to Senator-judge Robin. There was no intent to disrespect him,” sabi ni Kapunan.
“Kaya lang, siyempre pag lawyer ka at nasa litigation ka, e-emote ka eh, mag e-emote ka ‘no. Hindi naman emote na drama, pero it is an instinctive reaction,” dagdag pa nito.
Iginiit naman ni Kapunan na walang silang intensyon na hindi irespeto si Padilla.
“There was really no intention to disrespect him when he said lalong lalo na yung nasa front row, nagtingin kami yun pala kami yung nasa front row,” sabi pa ng abogado.
Umani rin ng samu’t sariling krisismo ang sinabi ni Padilla na hindi dapat maging one-sided ang prosekusyon sa impeachment trial ng Bise Presidente.
“So, Senator Robin, sabi mo kaibigan tayo. Forgive na lang. Hindi na kami ulit dyan,” sabi ni Kapunan. “Pero the prosecution is really for the prosecution and the defense is for the defense. As we say it is the nature of the beast.”
Ayon kay Luistro, ang pahayag ni Padilla na hindi dapat maging one-sided ay nararapat na ipayo sa mga senator-judge na siyang susuri sa mga ebidensya at magdedesisyon sa kaso.
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial
