Kamukha raw ng isang contestant sa “Miss Q and A” si Abante host Rey Pumaloy!

Mismong si Vice Ganda ang nakapansin nito sa gitna ng segment sa kanyang noontime show nitong Huwebes.

“Nagkita na ba kayo ni Rey Pumaloy?” tanong ni Vice sa contestant, na hindi pa raw nakikita ang host.

Agad namang ikinuwento ni Vice na dati niyang napapanood si Rey sa telebisyon.

“Sikat ‘yun si Rey Pumaloy, sa Eat Bulaga pinapanood ko ‘yun dati,” sey ni Vice.

“May sarili nga siyang segment doon dati,” sagot ni Vhong Navarro.

Sabay-sabay namang inalala nina Vice, Vhong at Jhong Hilario ang iconic line ni Rey na “Don’t tell a lie, huwag mag-deny. Aminin!”

“Bonggang segment dati ’yon,” dagdag ni Vice.

Game na game naman ang contestant nang hamunin siya ni Jhong na sabihin din ang linya ni Rey: “Aminin!”
=====

Share.
Exit mobile version