Nasawi ang 65-taong-gulang na drayber nang makipagbarilan sa isang retiradong pulis sa Padre Garcia, Batangas.
Ayon sa ulat mula sa Batangas Provincial Police Office, kinilala ang nasawi bilang alyas “Berto,” 65, habang ang sugatang biktima ay kinilalang retiradong pulis na alyas “Milyo,” 55.
Sa report, magkapitbahay ang dalawa.
Lumabas sa imbestigasyon na naganap ang insidente 6:20 ng gabi noong Biyernes.
Ayon sa mga ulat, naglalakad ang biktima malapit sa bakod ng bahay ng suspek, nang magkaroon ng mainit na pagtatalo.
Sa gitna ng komprontasyon, umano’y bumunot ng baril ang suspek at binaril ang retiradong pulis nang anim na beses. Ayon sa ulat, gumanti ang biktima sa pamamagitan ng 12 putok.
Kapwa isinugod sa New Padre Garcia Hospital ang dalawang indibidwal, kung saan idineklarang dead on arrival ang suspek at kritikal ang retiradong pulis.
Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng alitan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre .45 na pistola, isang kalibre .40 na pistola, at ilang piraso ng bala.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France
