Umani ng negatibong reaksyon mula sa ilang netizen ang umano’y pagbebenta ng merchandise para sa yumaong student-athlete na si Rene Baterbonia.

Sa isang post sa X, ibinahagi ng isang netizen ang video na nagpapakita sa isang lalaki na bumibili ng jersey at keychain na merchandise na may pangalan ni Rene.

Ayon sa post, nasa P650 ang presyo ng jersey habang P350 naman ang keychain.

“GRABE!!! PASABOG ANG PRESYO NG “RENE MERCHANDISE,” saad sa caption ng post.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang netizen at kinuwestiyon ang pagbebenta ng merchandise na may kaugnayan sa yumaong atleta.

“Hindi ba sila karmahin niyan? Nasa hukay na ginagatasan pa din. Tsaka ano yan santo para ganyan? Hindi nga naisip yan ng pamilya ni Kobe Bryant”

“Patay na pinagkakakitaan pa, di na nakausad kaluluwa nung patay.”

“Grabe tong mga taong to makagatas sa patay. Multuhin sana sila ni rene”

“I’m having goosebumps after seeing this. It’s okay if Rene is still alive but he’s dead. Sino ba ang namatay na may binebentang merchandise”

“Kaloka… patahimikin nyo na lang si Rene eh.”

Share.
Exit mobile version