Ayaw pa sana, pero sa bibig na mismo ni Ogie Alcasid nanggaling na sumailalim ang kanyang misis na si Regine Velasquez sa voice treatment.
Baka daw kasi magalit ang Asia’s Songbird kung pangungunahan niya ito.
“But we went somewhere and ang galing ng doktor. She was fixed,” sey ng singer-songwriter.
Natural lang naman daw na nagbabago ang boses ng tao: “It comes with age. When we get older, our voices change.”
Sa kaso nga daw ni Ogie, may mga notang hindi na niya naaabot sa kanyang edad ngayon kumpara noong mas bata pa siya.
Hindi lang life partner ang role ni Ogie sa buhay ni Regine, he also acts as her trainer.
Bagama’t maganda pa rin naman daw ang boses ng asawa, the voice treatment Regine underwent worked for her.
Samantala, kumusta na ang sinasabing finale major concert ng Asia’s Songbird sa October?
Ani Ogie: “She’s super excited. Ang gaganda ng plano nila ni Cacai (Mitra, Regine’s sis). Tapos, she’s doing an album. Pinapakinggan namin araw-araw… ay, ang ganda!
“Ang galing ng timing ng mga gagawin niya!”
Papuri pa ni Ogie sa misis: “Ang kanyang ace is that she’s a fantastic storyteller… nararamdaman mo!”

Share.
Exit mobile version