Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa nakatalagang driver ng isang SUV na nag-viral matapos umanong delikadong magmaneho sa kahabaan ng Junction, Ortigas Avenue Extension sa Cainta, Rizal.
Batay sa video, ayon sa LTO, may isang motorcycle rider na nasa harapan ng naturang Hyundai Tucson at kinukunan ito ng video. Sa gitna ng insidente, hinampas umano ng rider ang hood ng sasakyan, bago biglang kumabig ang driver pakanan at umarangkada, dahilan upang muntik nang makaladkad ang rider. Nakita rin sa footage ang isang motorsiklong tumumba sa gitna ng kalsada.
Inatasan ang rehistradong may-ari at ang driver na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division sa Abril 30.
Pinagpapaliwanag sila kung bakit hindi dapat managot sa reckless driving at compulsory registration of motor vehicles, at kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang lisensya dahil sa pagiging improper person to operate a motor vehicle.
Inatasan din ng ahensya ang driver na isuko ang kanyang lisensya, na isasailalim sa 90 araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

