Hindi raw seloso si Rayver Cruz, pero aminado siyang lumabas ang pagiging protective boyfriend niya nang sumabak sa calendar pictorial ang girlfriend na si Julie Anne San Jose.
Sa naging guesting niya sa “Your Honor,” ikinuwento ng aktor na hindi niya napigilang kumustahin nang kumustahin ang takbo ng pictorial habang ginagawa ito ni Julie.
“Hindi ako seloso. Pero nu’ng nag-pictorial siya nu’ng ano, ‘di ko mapigilan, maya’t maya tsini-check ko. Nag-ano kasi siya, eh, nag-calendar siya,” kuwento ni Rayver.
Ayon sa aktor, sanay naman siya sa ganitong klaseng trabaho dahil maging ang ilan sa kanyang mga dating girlfriend ay naging calendar girls at lumabas din sa magazine covers. Pero ibang usapan daw nang si Julie na ang gumawa nito.
“Doon ako natatawa, kasi sanay naman ako, like ‘yung may mga… okey lang naman na sabihin, ‘yung mga ex ko naman talaga, ‘yun naman talaga ‘yung mga… may mga magazine cover sila. Pero, nu’ng kay Julie kasi, parang hindi ako sanay,” sey niya.
Sa halip na guluhin si Julie habang nagtatrabaho, ang handler nitong si Dianne Bernardo ang kinukulit ni Rayver para malaman kung ano na ang nangyayari sa shoot.
Nag-request pa raw siyang makita ang ilang kuha.
“Pag-send sa akin. ‘yung iba, aaminin ko, binabaril ko!” natatawang pag-amin niya.
“Binabaril ko! Naging ano ako, manager ako! Sabi ko, ‘Bakit ganu’n? Parang masyado naman nakabuka dito sa….’ Sabi niya, ‘Wala, hindi naman ‘yan gagamitin’,” dagdag pa ng aktor.
Pati kung ilang lalaki ang naroon sa pictorial ay naitanong din daw ni Rayver.
Gayunman, sinadya niyang huwag iparamdam kay Julie habang nasa shoot ito na nag-aalala siya dahil ayaw niyang makialam sa trabaho ng girlfriend.
“Pero ayokong iparating sa kaniya nu’ng time na ‘yun nu’ng nag-shoot siya kasi… Kaya dumadaan ako sa handler kasi ayoko isipin na ‘Ano ba naman ‘to.’ Ayoko rin kasi na nangingialam sa work,” paliwanag niya.
Pagkatapos na lamang ng pictorial niya ikinuwento kay Julie ang mga ginawa niyang pag-check at pag-aalala.
Sa halip na pagmulan ng tampuhan, tinawanan lang daw ito ng singer-actress at hindi naman sila nag-away.
======
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

