Arestado ang 19-anyos na lalaki na wanted sa dalawang counts ng statutory rape nang matunton ng mga pulis sa Barangay 32, Caloocan City.
Batay sa ulat ng Northern Police District (NPD), ikinasa ng Caloocan City Police ang manhunt operation laban sa akusado hanggang sa maaresto 12:00 ng tanghali.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Branch 1 sa Caloocan City para sa dalawang bilang ng statutory rape.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Pansamantala siyang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Caloocan City Police habang hinihintay ang kaukulang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol
