Nauwi sa tensyon ang kilos-protesta ng ilang grupo nang magkagirian ng hanay ng pulisya sa Grand Hyatt Hotel kung saan isinasagawa ang investors forum na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nitong Huwebes, Setyembre 10, 2026.
Ayon sa pahayag ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa kanilang opisyal na Facebook page nito ring Huwebes, tatlong paralegal ang dinampot ng pulisya mula sa iba’t ibang organisasyon.
Kabilang sa mga pinangalanang indibidwal ay sina Kenneth Castro mula sa Chief of Staff ng UP Office of the Student Regent, Jonna Yang ng AGHAM Advocates of Science and Technology for the People.
Samantala, napaulat din na mayroon pang dalawang paralegal na inaresto at kinilala na sina Daya Juliano ng Karapatan at RC Placido ng Tanggol Magsasaka.
Ayon pa sa mga ulat, tinatayang 16 na pulis ang umano’y nasaktan bunsod ng tensyon.
Kinondena na ng magkakaibang progresibong grupo ang naging pag-aresto sa kanilang mga miyembro at iginiit na pawang pangha-harass umano ito sa kanilang karapatang pantao.
“We condemn this blatant attack on paralegals and the shrinking space for dissent against foreign-dominated infrastructure deals like the Luzon Economic Corridor. We demand the immediate and unconditional release of all detained individuals and an end to the intimidation of activists and legal workers,” anang Kalikasan sa kanilang FB post.
Bitbit ng mga raliyista ang kanilang mariing na pagtutol sa kontrobersyal na Pax Silica na nakatakdang itayo sa Tarlac.
====
Trending
- EST Cola umusad sa PVL Invitational finals
- Eala sasabak sa Singapore Open
- Charlie, nag-throwback sa pag-propose ni Carlo
- Kim, hinulaang magkakaroon ng ibang jowa, ‘di si Paulo
- BINI Stacey, nagkawanggawa sa mag-amang may cancer
- LTO pinaiimbestigahan inspection center na nagpasa sa luma, kinakalawang na truck
- Rally kontra Pax Silica, nauwi sa tensyon; ilang raliyista, arestado
- 8 estudyante, 2 guro at 1 magulang na papuntang journalism contest, nadisgrasya
