Nanawagan ng hustisya ang mga animal rights advocates matapos magtamo ng matinding paso ang isang pusa na binuhusan umano ng mainit na tubig sa Talisay City, Negros Occidental.
Sapul sa kanang paa sa likod ng pusa at umano’y umabot hanggang buto ang pinsala, na nagresulta sa third-degree burns at hirap sa paggalaw ng hayop.
Ayon kay CJ Bertol na siyang nag-rescue sa pusa, kritikal ang kalagayan nito nang matagpuan.
“Third degree ang natamo niya. May medication sa healing. Ang kanyang tama, sa right side ng kanyang paa,” ani Bertol.
Kasalukuyang ginagamot ang pusa sa isang rescue center sa Bacolod City.
Gayunman, sinabi ni Bertol na mahirap matukoy ang salarin dahil walang nakakita sa insidente. “Wala kasing nakakita kung sino ang bumuhos,” aniya.
Ayon naman sa mga awtoridad, may kaukulang parusa sa ilalim ng Animal Welfare Act ang pagmamaltrato sa hayop. Ayon kay Dr. Janine Sortu, Assistant Veterinarian ng Bacolod City Veterinary Office, maaaring makulong at pagmultahin ang mga mapapatunayang responsable.
“The suspects or those who did this to the cats or the dogs, mayroon siyang imprisonment time at penalties kung ma-charge; if ma-confirm; P10,000 or six months in jail,” aniya.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

