Nagsalita na ang pulis na iniuugnay sa operasyon ng isang minahan sa Pantukan, Davao de Oro na ni-raid ng mga awtoridad kamakailan.
Sa report, inamin ni PSSg. Solomon Anuden Jr. na nakatanggap ng bayad ang kanyang pamilya mula sa mga Chinese national na konektado sa naturang operasyon.
Aniya, nagbabayad ang mga Chinese ng P140,000 kada buwan para makapag-operate.
Gayunman, mariin niyang itinanggi na siya ang namamahala o nangangasiwa sa minahan.
Matatandaang sinalakay ng mga awtoridad ang mining site sa Pantukan noong Abril bilang bahagi ng operasyon laban sa umano’y ilegal na pagmimina sa lugar.
Sa operasyon, 20 Chinese national ang naaresto, kabilang ang apat na indibidwal na nadakip sa kaugnay na operasyon sa Tagum City, Davao del Norte.
Bukod sa mga pag-aresto, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang iba’t ibang kagamitan at materyales, kabilang ang mga pampasabog, military uniform, kagamitang pangmina at mga yamang mineral.
Trending
- PWD bugbog-sarado sa pang-ha-harass ng Grade 3 stude
- 3 Tsekwa, arestado sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Caloocan
- Babaeng pasahero nahulog sa dagat sa Batangas
- Fusion Alley sa Maynila inireklamo sa baho, ingay at kalat
- LTO team leader sa viral Cainta roadside ops, sinuspinde
- Misis hiniya at sinasaktan ni mister habang naka-video
- P85 wage increase purdoy
- Utak sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, tukoy na

