Binawian ng buhay ang isang pulis nang barilin sa ulo ng holdaper sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng Sta. Teresita Municipal Police Station sa Barangay Sampaga ng Balayan, Batangas.

Kinilala ang biktima na si PSSg Von Rico Bibaño Macuha, 32 anyos na miyembro ng Sta. Teresita Municipal Police Station. 

Habang ang suspek na napatay ay si Carlo Zape Arcilla, nasa hustong gulang na residente sa Balayan, Batangas.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis kaugnay ng isang naunang nabigong robbery incident sa isang convenience store nang mapansin umano sila ng suspek bigla umanong nagpaputok ng baril ang suspek patungo sa direksyon ng mga pulis, dahilan upang tamaan sa ulo si PSSg Macuha. Agad siyang dinala sa Ospital ng Calaca para sa gamotin subalit binawian ng buhay ayon sa mga rumespondeng doktor.

Matapos ang insidente, tumakas umano ang suspek patungo sa direksyon ng Barangay Calantas, Calaca City, sakay ng isang motorsiklo dala ang ginamit na kalibre 38 na baril.

Nagsagawa naman ng  ng joint follow-up at hot pusuit operation ang mga awtoridad at muling nakatakas ng suspek sa isinagawang check point bago nakorner sa lugar malapit sa Calle Ruega, boundary ng Nasugbu, Batangas at ng Cavite at doon napatay ang suspek nanlaban sa mga humahabol na awtoridad.

 

===

Share.
Exit mobile version