Humingi ng tulong sa Central Office ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang tiyahin ng 14-anyos na babae, nang gahasain ng tatlong beses ng isang Patrolman sa District Mobile Force Batallion ng Nueva Ecija.
Ayon kay alias “Inday”, tiyahin ng biktima, nagkakilala umano ang biktima at ang suspek sa kaniyang trabaho, at nagpakilala na binata, kahit may anak at asawa na ito.
Pinangakuan pa umano ng suspek ang biktima ng kung ano-ano, hanggang sa naging magkasintahan na noong Abril.
Unang beses naman umanong nangyari ang panggagahasa noong May 7 sa La Union habang lasing ang suspek.
Samantala, nasundan pa umano ito noong May 10 at June 5 sa San Antonio, Nueva Ecija.
Sa kwento nang tiyahin ng biktima, nalaman niya umano na may relasyon na ang biktima at ang suspek nang paulit-ulit umanong tumawag ang suspek sa social media account ng biktima na naka-log in sa cellphone ng tiyahin, nabasa rin umano ng tiyahin ang pag-uusap ng dalawa.
Dagdag pa rito, nakatanggap din umano ng mga text messages ang tiyahin ng biktima mula sa asawa ng suspek na humihingi ng tawad at kalauna’y naging pananakot na.
Ayon kay Police Colonel Marlon Santos, Senior Police Assisstant, na-relieve na ang suspek sa pwesto at naghain na rin ng kasong statutory rape ang San Antonio Police Station laban sa suspek noong July 1.
Samantala, nangako naman si Commissioner Ralph Calinisan na maglalabas sila ng preventive suspension laban sa nasabing pulis na epektibo rin ngayong Miyerkules, July 22.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France
