Inirekomenda ng Office of the City Prosecutor of Tacloban City ang paghahain ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries laban sa isang pulis na nagmamay-ari ng armas na ginamit sa pamamaril sa Tacloban City.
“The DOJ trusts that the criminal process will proceed in accordance with the rules on due process for all parties concerned,” anang Department of Justice (DOJ) Spokesperson Polo Martinez sa isang pahayag.
Noong Hunyo 22, dalawang estudyante ang namaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng 20.
Gumamit umano ang 14-anyos na suspek ng 9mm pistol na nakarehistro sa kanyang tiyahin na isang pulis, habang gumamit naman ang 15-anyos ng .38-caliber revolver na nakarehistro sa isang security agency sa Cebu.
Ayon sa DOJ, resulta ang rekomendasyon ng preliminary investigation sa reklamong inihain ng mga magulang at estudyante ng naturang paaralan.
“The corresponding Information will be filed with the Family Court, Regional Trial Court of Tacloban City,” dagdag ni Martinez.

Share.
Exit mobile version