Tumaas ang produksiyon ng palay sa bansa sa ikalawang bahagi ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa ulat ng PSA, umabot sa 4,628,990.71 metric tons ang naaning palay mula Abril hanggang Hunyo 2026.
Mas mataas ito kumpara sa 4,378,382.11 metric tons na naitala sa parehong panahon noong 2025.
Mas mataas rin ang naturang produksiyon kumpara sa 4,395,287.06 metric tons na naitala noong unang bahagi ng 2026.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang pagtaas ng ani ng palay ay bunsod ng mga positibong kondisyon sa sektor ng agrikultura nitong mga nakalipas na buwan.
Ani DA Spokesperson Arnel de Mesa, malaking ambag sa pagtaas ng produksiyon ang muling pagpapatakbo ng Upper Pampanga River Irrigation System matapos maibalik ang suplay ng irigasyon sa humigit-kumulang 30,000 ektarya ng sakahan.
Dagdag pa ni De Mesa, naging masigasig din ang mga magsasaka sa pagtatanim dahil sa mataas na presyo ng palay noong nakaraang dry season harvest.
=====
Trending
- Clarence Villaflor swak sa last 16 sa PH International Challenge
- SINILAT SI OSAKA, EALA PASOK SA FINALS
- Vice, inireklamo sa MTRCB
- AJ, buntis uli, out na sa movie
- Direktor ng postponed first solo concert ni Jilian, nagsalita na
- Produksiyon ng palay tumaas sa 2nd quarter ng 2026
- 3 taong kulong, P1M multa sa online lending app predator
- LTO pinalawig bisa ng lisensya, rehistro simula Hulyo 1
