Inaasahang mas malaking oil price hike ang nakatakdang sumalubong sa mga motorista ngayong linggo na nakatakdang magsimula sa Martes, Setyembre 8, 2026.
Ayon sa mga ulat, naglalaro sa ₱4 hanggang ₱5 ang itataas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa presyo ng diesel, nakatakdang tumaas ang presyo nito kada lito mula ₱4.5 hanggang ₱5, habang ₱4 hanggang ₱4.5 naman sa presyo ng gasolina.
Nananatiling salik pa rin sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo ang sigalot sa Gitnang Silangan, subalit pinalala umano ito ng naging United States sa Larak Island sa Iran.
Bukod sa tensyon sa pagitan ng US at Iran, nakaaapekto rin sa galaw ng supply ng langis sa pandaigdigang merkado ang sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Kamakailan lang nang magpakawala ng drones ang Ukraine kontra sa energy infrastructure ng Russia.
Samantala, ayon sa ulat ng Manila Bulletin, patuloy na pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA), ang planong paghahalo ng bioethanol sa mga gasolina upang maiwasan umano ang pagdepende ng bansa sa importasyon ng mga langis.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

