Sugatan ang dalawampung deboto ng Semana Santa at isa sa kanila ang malubha ang lagay nang araruin ng patrol car ng pulis sa palusong ng bahagi ng kalsada sa Kawa-Kawa Hills, Brgy.Tuburan, Ligao City, Albay noong Biyernes Santo.
Sa ulat, nakalabas na ang 19 sa sugatang deboto na nagmula sa iba’t-ibang lugar habang nananatili sa ospital ang isa na patuloy na nilalapatan ng lunas.
Lumabas na may ilang senior citizen ang nakiusap na sasakay sa mobile patrol ng pulis sa may palusong na bahagi ng kalsada.
Posibleng diumanong kumalas ang handbrake ng patrol car kaya dumiretso itong umandar palusong na kalsada at hindi na nakontrol ng driver na pulis ang sasakyan kaya natumbok nito ang ilang namamanata saka bumangga pa ito sa isang SUV.
Agad rumesponde ang mga kasamahang pulis na nasa lugar at mga responders ng Bureau of Fire Protection at isinugod ang 20-kataong sugatan sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse
