Wala umanong natatanggap na validated intelligence ang Philippine National Police (PNP) tungkol sa umano’y banta sa Independence Day.
Ito ang sinabi ni Acting PNP Spokesperson P/Col. Allen Rae Co sa isinagawang press briefing sa Camp Crame nitong Biyernes, Hunyo 5.
Sa kabila nito, sinabi ni Co na palagi naman umanong handa ang PNP para masiguro ang kaligtasan ng publiko są darating na pagdiriwang ng Independence Day sa June 12.
Matatandaang ibinunyag ng beteranong kolumnista at broadcaster na si Ramon Tulfo sa kanyang Facebook post ang diumano’y planong pag-atake ng mga grupong sumusuporta kay Vice President Sara Duterte sa Malacañang sa darating na Araw ng Kalayaan.
Ayon pa kay Tulfo, nakatanggap umano ang PNP ng mga intelligence report na pangungunahan ng isang religious group ang naturang planadong pag-atake sa Palasyo.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

