Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang na tumawag sa 911 kung mapapansin nilang may hindi pangkaraniwang pagbabago sa asal ng kanilang mga anak dahil sa labis na pagkakalantad sa mararahas na online games o iba pang online content.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalaga ang maagap na paghingi ng tulong upang maiwasang maimpluwensiyahan o ma-recruit ang mga menor de edad ng mga extremist group na gumagamit ng internet.
“We call on parents to closely monitor the online activities of their children. Our 911 is also a help line for the necessary intervention as a result of overexposure to online violence and other online activities,” ani Nartatez.
“Let us work together to shield them from various online threats and guide them to a path that would strengthen their character and achieve their goal as the hope and future of our country,” dagdag pa niya.
Una namang sinabi ng PNP na pinapaigting na nito ang cyber monitoring laban sa mga online extremist group na posibleng nagkalat sa iba’t ibang digital platform o online game.
Nagpahayag din ang PNP ng suporta sa guidance counseling program ng Department of Education (DepEd), at sinabing maaaring lumapit ang publiko sa Women and Children Protection Desk na matatagpuan sa bawat himpilan ng pulisya para sa kaukulang tulong at interbensyon.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
