Nasawi ang dalawang katao at dalawa ang sugatan nang araruhin ng isang pickup truck ang motorsiklo at traysikel sa Bingawan, Iloilo.
Sa CCTV footage, makikitang mabilis ang takbo ng pickup truck na nagbubuga pa ng usok habang hinihila ang isang motorsiklo sa kalsada.
Bukod sa motorsiklo, nabangga rin ng pickup truck ang isang traysikel na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng dalawa pa.
Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang driver sa minamanehong sasakyan kaya naganap ang aksidente.
Sumuko na sa mga awtoridad ang driver ng pickup truck at nahaharap na sa kaukulang mga kaso.
Trending
- Aira Villegas at Albert Ian Delos Santos, flag bearer sa Asian Games
- Elena Rybakina, bagong World No. 1 sa women’s tennis
- Sofia Andres, binunutan ng walong ngipin, nabungal!
- Pops, unang nakatapak sa star ni Lea
- Bianca, ginawang debut ang 90th bday ng lola!
- 2 SUV winasak ng grupo ng Partisano
- Kaso vs Michelle Dee, Rhian Ramos at iba pa, ibinasura
- DSWD sinuportahan ang regulasyon sa online platform

