Ubos na ang P70 bilyon na subsidy ng gobyerno sa mga indirect member ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa limang buwan ng taong kasalukuyan kaya humihingi na ang nasabing state insurance firm ng tulong sa Kongreso.
Sa pagdinig ng House Committee on Health na pinamumunuan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr., sinabi ni PhilHealth President and CEO Edwin Mercado na mula Enero hanggang Mayo 2026, nakagastos na ang mga ito ng P152 bilyon sa benefit payment.
“Sixty percent (60%) of which or P91.3 billion, are for the indirect contributors and P60.9 billion is from the direct contributors,” pahayag ni Mercado sa nasabing pagdinig.
“So by our GAA (General Appropriations (alone, which we’re given P53.7 billion and another P16 billion for benefit expansion, yung P70 billion na ibinigay ng GAA ubos na po dito sa first four months just to cover indirect contributors,” dagdag pa ni Mercado.
Dahil dito, nagagalaw na umano ng PhilHealth ang kanilang “retained earnings” at maging ang kontribusyon umano ng mga direct member o buwan-buwan na nagbabayad ng kanilang premiums.
Sinabi ni Mercado na umaabot sa 53.2 million ang indirect members na kinabibilangan ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Senior Citizens, People with Disabilities (PWDs), Solo parents at iba pa na kapag nagkakasakit ay walang binabayarang hospital bills dahil sagot ito ng gobyerno.
Dahil dito, kailangan na umano ang tulong ng Kongreso para magkaroon ng karagdagang pondo para masustena ang no hospital bills at iba pang health benefits ng mga miyembro lalo na ang mga indirect members.
“Because as I told, as I mentioned earlier, hindi ko naming nafactored sa aming budget for the next 3 years is the impact of this public health intervention and the impact of our primary care,”ani Mercado.
“So key takeaways recognize now the new baseline budget for Philhealth hindi na ho talaga maibabalik dun sa datihang ano na…hindi sapat na yung sin taxes. Hindi pa nga po nabibigay ang kabuuan ng sin taxes,” ani Mercado.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay
