Kulong ang 28-anyos na negosyante nang makipagtalo sa isang motorista, magpakilalang pulis at hamunin ng suntukan ang limang traffic enforcers sa Parañaque City.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinundan ng lalaki ang isang motorista nang hindi pagkakaunawaan sa kalsada.
Tumigil ang kaniyang sasakyan sa intersection ng Doña Soledad Avenue at France Street, kung saan nagkataong naroon ang mga traffic enforcer.
Sa halip na umalis, bumaba umano ang lalaki mula sa kaniyang sasakyan at sinabing isa siyang pulis. Napansin din umano ng mga enforcer na nakainom siya.
Lalo umanong uminit ang sitwasyon nang sigawan ng suspek ang mga traffic enforcer at hamunin silang makipagsuntukan.
Mabilis namang umawat ang mga enforcer upang hindi na lumala ang komprontasyon. Dumating din sa lugar ang motorista na sinundan umano ng suspek at itinuro ito bilang taong sangkot sa naunang insidente.
Nang hingan ng mga enforcer ng dokumentong magpapatunay sa kaniyang sinasabing pagiging pulis, hindi umano nakapagpakita ang lalaki ng anumang katibayan.
Dahil dito, tuluyan siyang inaresto at dinala sa Parañaque City Police Station para sa imbestigasyon at kaukulang legal na proseso.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Kim,” isang negosyante at residente ng lungsod.
=====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

