Arestado ang isang lalaki na nagpakilalang miyembro ng Philippine National Police -Special Action Force (PNP-SAF) at mahulian ang suspek ng isang baril nang masita ito sa initag na checkpoint sa bahagi ng kahabaan Maharlika Highway, Barangay San Miguel na Munti,  Talavera, Nueva Ecija.

Batay sa ulat ni Nueva Ecija Police Director Col.Ritchie Claravall Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Kinilala ang naaresto na isang 36-anyos na lalaki, driver at residente ng Rizal, Nueva Ecija.

Sa ulat, pinara/pinahinto ng mga awtoridad ang suspek na sakay ng minamaneho motorsiklo sa Anti-Criminality checkpoint operation at mapansin ang suot nitong SAF uniform na may PNP insignia at nagpakilala umanong pulis para malusutan ang checkpoint.

Pero sa ginawang beripikasyon ng mga awtoridad, Wala sa talaan o listahan ang pangalan nito sa mga miyembro ng PNP kaya agad dinakip ang suspek.

Nakumpiska din sa suspek ang dala nitong isang Caliber 9mm Taurus Pistol at mga bala.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Article 79 ng Revised Penal Code o illegal Use of Uniforms and Insignia at Illegal Possession of Firearms and Ammunition. 

Share.
Exit mobile version