Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes, Mayo 14, na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang tatlong buwang suspensyon sa terminal fees ng mga public utility vehicle (PUV) operators sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa DOTr, epektibo ang nasabing suspensyon simula sa Mayo 18, na siyang magdudulot ng ₱5 milyon tipid ng mga PUV operators.
“Ang kabilin-bilinan sa atin ng Pangulo, patuloy nating tulungan ang ating mga kasamahang PUV operator at driver. Itong inisyatibong ito ay malaking tulong sa kanila dahil makakatipid sila sa terminal fees na pwede nilang gamiting pangkarga ng krudo o gamitin sa ano mang gastusin nila,” saad ni DOTr Secretary Giovanni Lopez.
Sakop ng libreng terminal fees sa loob ng tatlong buwan ang provincial buses, city buses, modern PUJs, traditional PUJs, UV Express vehicles at mga taxi.
Anang DOTr, posible ang extension nito depende sa magiging assessment ng ahensya.
Trending
- Pia Cayetano nangumusta, naka-move on na sa pagiging emosyonal sa Senado
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa
- Rondina, Pons yuko kontra Danish sa Nuvali Challenge opener
- Kathryn at Monmy Min, walang tampuhan
- Maris, namigay ng bigas
