Nasawi ang isang Christian pastor sa mga tama ng bala sanhi ng pagbabarilin sa isang lugar sa probinsya ng Agusan del Sur sa Region 13, mas kilala na Caraga Region, noong Biyernes, July 31.
Minamaneho ng pastor, pansamantalang kinilala lang muna ng mga police investigators na Ben, ang kanyang kulay itim na sports utility vehicle ng tambangan ng mga armadong nakaabang sa gilid ng highway habang pauwi na sa kanila sa hindi kalayuang Barangay Rizal sa San Francisco, Agusan del Sur.
Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush sa pastor at tatlo nitong mga kasama sa kanyang sasakyan.
Dahil sa tinamong mga tama ng bala, nawalan ng control ng kanyang sasakyan ang biktima kaya lumihis ito at bumangga sa isang bahay sa gilid ng highway.
Ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador ng pulisya na nagresponde sa insidente, isa sa tatlong mga kasama ng napaslang na pastor ang sugatan sanhi ng naturang pananambang.
Trending
- ALEX EALA KAMPEON SA WTA 500
- Call Center Agent, natagpuang patay sa liblib na lugar
- 5 sasakyan inararo ng Army crane truck: 14 sugatan
- Rider todas sa salpukan ng bus at motorsiklo:
- Tulak habambuhay kulong
- Pinoy seafarer patay sa pag-atake sa Black Sea
- Pastor patay sa ambush
- Paras wala pang natatanggap na subpoena mula NBI
